Pasasalamat
Taos- pusong pasasalamat po ang ipinaaabot ko sa mga sumusunod:
Gng. Guadalupe PupingCadiz
sa pagbibigay niya ng ibat-ibang kaalaman sa kasaysayan ng pinagmulan ng lahi ng pamilya Reynoso.
G. Alfredo Dodo Rondolo sa malimit na pagbabahagi
niya ng kanyang mga nakatutuwang kuwento at karanasan. Siya din ang tinaguriang
historian mg ating angkan sapagkat marami siyang natatandaan tungkol sa ating mga ninuno.
Bb. Veneracion Vener Reynoso sa pagbibigay niya ng mga karagdagang kaalaman
at sa pagtulong niya upang makalikom ng mga larawan .
Gng. Elma Marietta Ricafort sa pagpapahiram niya ng mga larawang kailangan upang
mailathala sa aklat na ito.
Gng. Rebecca del Carmen sa pagbibigay niya ng mga impormasyong kailangan na nauukol sa kanilang pamilya.
Pasasalamat din sa
mga kamag-anak at mga taong tumulong sa ibat-ibang paraan upang ang kasaysayan ng ating pamilya Reynoso ay maiayos at mailathala.
Jonem
G. de Guzman