Concepcion Reynoso Cadiz. Nag-aral ng elementarya sa Sariaya Central School, Una at ikalawang taon sa mataas na paaralan
ng St. Josephs Academy, ikatlo at nagtapos ng sekundarya sa Tayabas High School ( Quezon National High School).
Pagkatapos ng sekundarya, pumunta sa Maynila at tumira kina Lolo Deme at lola Minyang sa Hyacinth, Roxas District Quezon,
City. Doon nasilayan ni Lolo Jose ang kanyang kagandahan. Subalit hindi naging madali sa kanya na makuha ang minimithing pag-ibig
ni lola Coz. Isang binata na kapit-bahay din niya sa Sariaya ang nais makamit ang pag-ibig niya, siya si Felino Religioso.
Minsan ay dumadalaw si Lolo Jose kina Lola Coz sa Hyacinth ng biglang dumating si Felino kasama si Tito Dodo.
Niyaya ni Felino na manood ng sine si lola Coz. Pumayag si Lola Coz at sumama paglabas kay Felino. Hindi napigilan ni
Lolo Jose ang paglabas ng dalawa. Natuloy
ang panonood ng sine sina Lola Coz at Felino kasama si Dodo Rondolo. Naiwan so Lolo Jose sa bahay. Habang nasa daan nakita
nila si Jun Castro at isinama nila ito sa panonood ng sine. Nanood sila ng sine sa LYRIC THEATHER sa Escolta at ang pamagat ng pelikula ay Under Capricorn.
Makalipas ang ilang araw, sumulat si Lolo Jose kay lola Coz at ang ilan
sa mga sinulat ay ganito,
Making me believe, that you care for me, while you
are waiting for somebody else to marry you!
Matapos ang maraming kwento tungkol sa kanya, nanaig pa din
sa puso ni Lola Coz ang pag-ibig ni Lolo Jose. Nang sila ay nagkaisang dibdib, sila ay nanirahan na sa bahay ni Lolo Jose
sa Katuray, Roxas District Quezon, City.
Mahilig sa musika si Lola Coz, katunayan mahusay siyang tumugtog
ng piyano at ang paborito niyang piyesa ay Maala-ala mo kaya at Babalik ka rin.