Ang Palasan
Ang Palasan ay isang baryo o linang sa Sariaya na nasa pagitan ng bayan ng Sariaya at Candelaria. Dito matatagpuan
ang malawak na lupain ng Amamang Oto at Inanang Cianang na binubuo ng palayan at mga niyugan. Nang sila ay pumanaw na, hinati
sa pitong magkakapatid ang mga lupaing ito.
Sa unahan at pagpasok ng Palasan, doon dati nakatira kapag pumupunta ng Palasan ang mag-asawang Amamang Oto at Inanang
Cianang. Ito ang ipinamana niya kay Tito Maning. Sa isang mahigpit na pangangailangan, naipagbili niya ito. Ang kasalukuyang
may-ari ng lupa ay si Antonio Plata at Anto Zara.
Bago dumating ng riles, nandoon ang isang malawak na niyugan at tubigan na pinaghatian ng mga sumusunod na magkakapatid
( mula silangan putungong kanluran): Lolo Momo, Lola Coz, Lola Isay at Lolo Teroy. Lahat ng ito ay pag-aari ng Amamang Oto.
Ang
kanilang mga tauhan ay sina Mang Anghel, Mang Tiago, Mang Atong, Mang Tomas at Mang Biloy. Kapag anihan na at magtatakal na
ng palay pumupunta na doon sina Lola Isay at Lolo Aguedo para tingnan ang pagtatakal ng palay. Ang takalan ng palay ay tinatawag
na paniga. Pagkatapos magtakal ng palay ito ay inilalagay nila sa bayong at inilalagay sa malaking kamalig. Makalipas ang
ilang araw, ito ay dadalhin na sa bayan sakay ng pitong kariton diretso sa kamalig na nasa likuran ng bahay.
Ang namimili naman ng niyog o pinagkawitan ay si Anto Zara. Siya ang halos namimili ng lahat ng niyog at matapos mabili
sinusulit o dinadala na niya sa bayan ang pinagbilhan.
Ang namana naman ni Lolo Deme ay ang bahagi ng lupa ng Inanang Cianang na nasa kaibabaan ng Palasan. Ang tauhan nila
ay si Mang Juan (+).
Ang namana naman ng Lolo Zoning ay ang bahagi
ng lupa ng Inanang Cianang sa Mangilag. Ang tauhan ay si Mang Juanito(+).