Kasaysayan ng Pamilya Reynoso
Home | Reynoso Family Vacation in Sariaya 2005 | Pasasalamat | Ang Matandang Bahay | Ang Pamilya ng Fausto at Feliciana | Beata | Demetreo | Felisa | Sotero | Maximo | Zozimo | Conchita | Ang Palasan
Maximo

 

            Ipinanganak noong taong 1911. Nagbibinata pa lang ay naniningalang-pugad na sa edad na labing-apat na taon. Kapag bumibisita siya sa bahay ng kanyang pinipintuho, nakapormal na suot amerikana. Pumapanhik ng ikaanim na hapon at bumababa ng ikawalo ng gabi. Nang sumapit ang dalawamput limang taon, nabihag niya ang puso ni Lourdes Religioso at nagpasiyang mag-isang dibdib.

 

         Nagpulot-gata sila sa Pines Hotel sa Lungsod ng Baguio. Matapos ang kanilang matamis na karanasan ay tumuloy sa sarili nilang tahanan sa Miserecordia ( sa may lugar ng Central Market).

 

        Bilang isang mahusay na inhenyero siya ay nakapagtrabaho sa Public Works sa Maynila. Makalipas ang ilang taon, siya ay binigyan ng trabaho bilang tagapamahala ng Public Works sa Legaspi, Albay sa Bicol. Nanirahan sila dito sa loob anim na taon. Habang sila ay namamalagi doon, isinilang ang ikaanim nilang supling na si Raul. Dahil sa kahusayan at katalinuhan niya bilang inhenyero, siya pinapag-aral ng pamahalaan sa Amerika para magpakadalubhasa sa agricultural engineering. Siya ang kauna-unahang tumungo sa Amerika sa pamilya Reynoso. Sa kanyang pagbalik buhat Amerika, siya ay naging  project engineer ng National Irrigation Administration. Nadestino sa ibat ibang bayan tulad ng San Jose Nueva Ecija, Gapan Nueva Ecija, at San Rafael, Bulacan na kung saan siya ang  namahala sa paggawa ng Angat Dam. Panahong ng Martial Law nagbitiw na siya sa kanyang trabaho sa pamahalaan. Ilang taon pa tumungo na siya sa Amerika upang doon manirahan.

 

 

Maximo ( Tiyo Momo) (+)

 

 

 

 

 

Lourdes Religioso and naging kabiyak at biniyayaan ng pitong supling :

             Rebecca, Raquel, Andreo Reuben, Rene, Ruth (+), Raul, at Victor Rick.  

 

 

 

 

 

 

 

   Rebecca

 

Ang napangasawa ay si Rodolfo del Carmen at nagkaroon ng tatlong anak: Josef Roel, Ronald, at Rocelyn.

 

Ronald napangasawa si Michelle Volett

 

Rocelyn napangasawa si Patrick Ellison at mayroong isang

 Anak : Ethan Dakota

 

   Raquel - Ang napangasawa ay si Rolando Acuna

 

 

   Reuben

 

Blesilda Gorospe ang naging kabiyak at nagkaroon ng dalawang anak :

Rossane at Randy Allan.

 

Randy Allan napangasawa si Nikki

 

 

   Rene-Victoria Ferrol ang naging kabiyak at nagkaroon ng tatlong supling:

Christopher Rene, Victor Roman, Sophia Maxilyn.

 

 

   Ruth (+)

Nanatiling dalaga hanggang masawi sa isang aksidente sa Niagara Falls.

 

 

   Raul

 

Ofelia Palomera ang naging kabiyak at biniyayaan ng kaisa-isang supling: Marc Lysander

 

 

   Ric

 

Nanatiling binata hanggang sa kasalukuyan