Ang matandang bahay ng pamilya ng Reynoso ay ang bahay ngayon ng Lola Isay. Ito ang ikatlong bahay sa buong Muntingbayan.
Unang ginawa ang bahay ng Inanang Rosa na kasalukuyang tahanan nina Tito Dodo Rondolo, pangalawa ay ang bahay sa tapat ng
Lola Isay na tahanan ng pamilya Religioso, at ang pangatlo ay ang tahanan ng inanang Cianang na halos kasabay ng tahanan nina
Elan Galera.
Dito sa matandang bahay na ito tumira ang ang mag-anak nina Inanang Cianang at Amamang Oto. Sa mababang palapag ng
bahay tumira ang mag-anak ni Lolo Teroy at Tito Maning. Sa unahan ay may tindahan na naging tindahan ng Lolo Deme bago naging
tirahan nina Lolo Maning. Sa bandang silanganan o kaliwa ng bahay ang pasukan patungo sa tirahan nina Lolo Teroy. May maliit
na balkonahe at sa bandang kanan naroon ang pintuan at ito ay itinutulak upang buksan. Sa pagpasok mo naroon ang kanilang
salas at diretso pa may isang silid. Sa gawing kaliwa naroon ang kanilang kainan at katapat nito sa silanganan ay may isa
pang silid. May isang maliit na pintuan patungo sa isa pang maliit na kainan kasunod ay ang palikuran. Sa tapat nito ay banggirahan
na ang ilalim ay tanke ng tubig na siyang pinaka banyo. Ang pinakadulo ng bahay ay ang kanilang kusina.
Ang hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng bahay ay nasa gawing kaliwa o kanluranan. Aakyat ka muna ng anim na baitang
na hagdanang yari sa bato bago ka umakyat sa kahoy na hagdanan. Magkabila ay may hawakang kahoy. Sa bandang kaliwa ay may
kulungan ng kalapati at sa bandang kanan nandoon ang pintuan. Bago sumapit ang pintuan ay may sabitan pa ng sombrero. Sa iyong
pagpasok sa bandang kaliwa naroon ang isang malawak na salas. Papasok ka sa isang pintuan patungong salas at makikita mo sa
pinakagitna pagitan ng dalawang bintana ang piyano at sa ibabaw nito ay ang antigong salamin.
Dalawa
ang sala set, isang nasa gawing kanan at isa sa kaliwa na ang ilalim ay may makapal na linoleum. Apat na haligi
ng bahay ay nasa salas na may nakasabit na flower vase. Sa bandang kaliwa ng pituan
naroon ang sinaunang relo na de susi na may pendulum. Sa paglabas mo ng salas may dalawang silid, ang bandang
kanan o kanluranan ay kina Lola Estrella at ang bandang kanan ay kina Lola Isay. Dito mo din makikita ang isang eskaparate
na lalagyan ng mga pigurin.
May isang hakbang pababa patungo sa isa pang
silid sa gawing kaliwa at sa bandang kanan nandoon ang kabinet na lalagyan mga baso at pinggan. Sa likod nito ay ang kusina
nina Lola Estrella.
Katabi ng silid ni Lola Coz ay ang komedor o kainan. Dito makikita ang lamesang bilog at ang pladera na lalagyan
ng mga de lata na nakasandal sa haligi ng bahay.
May dalawang bintana dito at sa bandang ibaba
ay may banggerahan. Dito din makikita ang refrigerator na tatak General Electric. Sa paglabas my isang
maliit na pintuan patungong komedor at kusina. Dito makikita ang abuhang lutuan, mga palayok na gamit sa pagluluto, banggerahan sa gawing kanluran at isa pang banggerahan sa gawing silangan na lugar kung saan
ginigiling ang gagawing espasol o pinalto ang galpong sa tulong ng gilingang bato. Bago lumabas ng kusina ay may hugasan na
lumalagaslas ang lakas ng tubig sa gripo. Sa paglabas sa kusina nandoon ang dirty kitchen , kulungan ng aso at ito
rin ang daan patungo sa palikuran na dadaan sa mahabang tulay na yari sa kawayan. Dito na din ang pababa sa likuran ng bahay.
Ang bandang silanganan ng bahay ay bakante. May mga puno ito ng lansones, starapple, at lukban. Ang bandang
likuran naman ay may puno ng chico, at sampalok.
Sa bandang likuran ng bahay, doon nagtayo si Lolo Deme ng bayuhan at pagkalipas ng ilang panahon naging kamalig na
imbakan ng palay.
Taong 1978 ng mabago na ang kaayusan ng bahay.